things that are better wrote than said...
dyah_21
read my profile
sign my guestbook

Visit dyah_21's Xanga Site!

Name: John Aldrich
Country: Philippines
Birthday: 9/10/1986
Gender: Male


Interests:
=UST=

=Chiaka Kuriyama=

=Charlotte Church=

=Jeon Ji Hyun=

=Jenny=

=Volleyball=

Expertise:

=programming???=

=Eating=

=Sleeping=

=Badminton=

=PUSOY DOS=

Occupation: Software Design Engineer
Industry: Computers (Software)

Message: message meEmail: email me
Website: visit my website
Yahoo: ja_21_corgenex


Member Since: 3/4/2004

SubscriptionsSites I Read
annarica
kacheena
hupaw
deydrimer
kjfaust
mehmehnimingming
ffantasii
XaNgA_MuSiC
fallencritic
tin122686
outofsynch
geryL_8
geryl_08
Gemer_Ann
AngeL_RoyAnne
betz_kyut
JeDIAH
geryl08
jm_sejoz
ryanlooser
instant12
ouie_rox
FLiPEENAH

Blogrings
»___.:~* UST *~:.___«
previous - random - next

2csD
previous - random - next

Hunter X Hunter
previous - random - next

| Pinoys A N D Pinays |
previous - random - next

My Sassy Girl
previous - random - next

!!!!!Neopets!!!!!
previous - random - next

!!!! FiNaL FaNtAsY LoVeRs !!!!
previous - random - next

jamesians
previous - random - next


Posting Calendar

|<< oldest | newest >>|
view all weblog archives

Get Involved!

Suggest a link

Recommend to friend

Create a site

Saturday, January 05, 2008

I Moved To Live Journal

due to some time-for-blogging reasons, i now move to live journal, d ko alam kung kaya kong mailipat ang lahat ng post ko sa live journal pero kung inde, d ko alam ang gagawin ko, hahaha, pero un nga, magmula nga, sa live journal na ako magpopost. and here is the link to my live journal account thanks and read on.... ^_^


Friday, January 04, 2008

the book

ito na ang panahon, na sa tingin ko e mapapadalas ang aking pagbloblog....

dahil

madali akong gustong sabihin.....

hahaha

un lang un

haha

anyway, ayun, the blog title explains it all.

dumadating sa buhay ng isang na naloloko xa, tulad na lang ng pagbili ng peanut brittle sa baguio, sa labas, akala mo, punong puno, un pala, ung gilid lang ang may laman, tsk tsk tsk, badtrip, hahaha, parang ung peanut brittle na dala ni jose nung minsan, tamang dugas lang.

sa mga pornong mubi na nabibili sa gilid gilid, ang mga piktyurs na nasa labas ay indi ang mubi na mapapanood mo sa loob. sabi akin ng mga bumibili ng ganun, wahahahaha....... >:)

tulad ng mga fastfood at restaurants dyan, ang ganda ng picture nung food, pero pagdating nung pagkain, mas pinaliit, haha, minsan naman, underrated ung pagkain, pangit ang advertisement at presentation, dabes naman ang lasa.

parang global fun carnival lang yan, ang ganda ng advertisements nila, as in, wala kang masabi, tarpaulins, website lahat na, subrang sablay nga lang sa actual na.

ayon nga sa mga sabi sabi, ang kasaysayan ay nasusulat sa mga aklat, at ang kasaysayan, ay binubuo at hinuhubog ng mga taong nabuhay at namayapa na. mga taong nagkaproblema, naging tanyag, naging kilala, naging walang kwenta at naging pinakasikat sa kanilang lahat.

UN NA UN!!!!

wag mong husgahan ang tao, tao yan, mahirap manghusga, dahil tao yan, ang tao nagiisip, matalino, d mo kayang basahin utak nyan, ang alam mong gagawin nya, bka d pala nya naiisip. ang inisip mong galaw nya, e d pala nya ginagawa at kung ano ano pa.nagpapakajudgemental ka, ayon nga kay pareng pekkle nung minsang usapan naming seryoso at taos puso. anyway, un ang point ko, likas sa tao ang maging mapanghusga, pero ibang usapan na kapag nalaman mong hinusgahan ka, masakit, parang kang sinabihan ng "bat ka bumili ng porno sa may quiapo" e d ka naman bumili dun, sa may baclaran ka bumili, ansakit diba. ang sabihan "ikaw ung umutot no, ang baho, itae mo na yan" e d naman ikaw, sakit diba, wahahahahahaha. parang mas gugustuhin ko pa ang replyan ka ng text na "HU U POW?!?!" kesa naman ang mahusgahan ka......

tsk tsk tsk......


Sunday, December 30, 2007

A Year-Ender Special for 2007

The time has come, once again, to rant, thank, look back, reminisce and complain to the year that is about to end. something to check if the year that has been was worth to remember, worth to be thankful, or should I curse forever.

one thing is for sure, in this year, 2007. it was fast, exciting, frustrating, lots of blessings, lots of sad stories, triumphs, failures, fun, lot of fun, educational, dramatic and hilarious, ofcourse.

in short, isa xang malaking halo halo. halo halo ng lahat lahat na pedeng maisip ng isang tao sa buhay nya....

the year was exciting, full of things that is worth keeping, and should be forgotten at the same time.....

weird as it may sound, it is a Year, worth remembering.......

The Best Year (so far) out of my 21 years of existence......

And The Worst too, if I may add.....

The Year Started, With the contest for the Person who has the biggest eyebags, hahahaha

paano ba naman, thesis days ng mga araw na iyon, so, mala-kuya-germs kaming lahat, walang tulugan, temporarily naaampon ng mga nanay ng mga kagrupo,  instant brothers and sisters. natutunan ang mga side A hangang D. ang matulog sa byahe at sa klase at indi sa bahay, ang gawing stop-over lamang ang sariling bahay, uuwi lamang para maligo, maguwi ng maruruming damit, at magempake muli ng mga malilinis at sisibat nang muli. ang gawing sariling bahay ang faculty room at mga hallway ng Eng'g building, ang araw araw kulitin ang thesis adviser at kung sino sino pang mga prof, at umiyak sa harap at likod ng mga prof, ang magkagulo sa loob ng grupo nyo, ang magpakasasa tagumpay na natamo sa natapos na thesis, at magmukmok sa sulok para sa mga indi pinalad, sa mga panahong, nagkukumpulan, nagtutulungan, sa kahit anong paraan na magagawa, makatulong lamang sa thesis ng kapwa, kahit maging student-teacher sa ibang klase, matuloy lamang ang defense ng ilan, maging kargador ng laptop/PC para lamang makapagdefense, makitaranta at makipuyat, para lamang matapos ang nalalapit ng deadline. nadidiskubre mo ang kahinaan at kalakasan ng mga nakakasama mo, ang mga kamalian at kagalingan nila, katalinuhan at kabobohan, damayan sa oras ng pangangailangan, kahinaan. dumamay, sa oras ng kalakasan at pagtatapos ng paghihirap. ilan lang yan sa mga bagay bagay na natutunan, natuklasan at naintindihan ko sa panahong kami ay gumagapang sa thesis namin. at ng magwakas ito. natapos na din ang mga nabangit sa taas, pero ang mga natutunan, natuklasan at maramdaman, ay mananatiling buhay.

kaagapay ng pagsubok na itago natin sa ngalang THESIS, ay kasabay din nito ang Multimedia namin, ang kurso pumupukaw sa aming malilikot at malikhaing pagiisip, isang kursong iyong kagagalakan, at kakainisan, paminsanminsan, dito napukaw ang aming mga damdamin at kaisipan, para magisip ng mga bagay na pupukaw din sa damdamin ng ibang tao, ang magbigay ligaya, sa natatangin paraan, ay ilabas ang mga natatangin talento, at ilabas din ang mga talentong, hindi na dapat inilabas pa, mga natatanging galing, mga emosyong pinakita, mga mensaheng tagos puso, pagpapasalamat, pagpapatwad at pagpapakitang-gilas na tagos puso, ito ang ilan sa mga bagay na nasilayan ko sa Multimedia na nagdaan.

natapos ang Thesis, natapos ang Mutlimedia, halos tapos na ang lahat, malapit na matapos ang pagiging estudyante, nararapat lamang na magkaroon ng pagninilaynilay sa aming 4 na taon o mas madami pa na pagiging estudyante sa kolehiyo, nararapat lamang ang isang retreat.

sa unang pagkakataon, nagkaroon ng retreat ang mga estudyante ng Eng'g. hindi ito nakagawian, ipinaglaban pa ito, para lamang matuloy, at salamat naman, at natuloy. ang retreat na ito ang isa sa pinakamagandang nangyare sa buhay ko sa taong 2007, at dahil dito, nais ko sanang magawa ko ito every year, sana lang, kung maari, hahaha. anyway. ayun, ang retreat na naganap, isang napakaganda karanasan, lumabas ang mga nakikimkim na mga pasasalamat at sama ng loob, mga natatagong lihim at sikretong, ibinunyag sa mga taong mapagkakatiwalaan mo. pangyayari nagpatibay at magpapatibay ng samahan/barkadahan/pagkakaibigan ng mga tao. nagkaisa, nagkausap, nagkasundo, may nagkagalit, may nadiskubreng pagkakabigan, may nabulgar na alitan, pero bago natapos ang lahat, itinago ito, ibinaon sa limot ang mga alitan at samaan ng loob, at itinanim sa puso at isip, na ang retreat, ay naging isang maganda pangyayare, sa buhay ng lahat ng sumali. kinalimutan ang problema, binaot sa limot ang mga di pagkakasundo. inenjoy ng todo ang pagkakataong makapiling ang mga kaibigang ilang taon mong nakasama. upang pagitbayin ang samahan, palawakin ang pagkakabigan. at gawing mas masaya ang samahan. dabes talaga ang retreat na ito, isang bagay na sana ay maulit. iba talaga ang ligaya at kagaanan ng loob na naibibigay ng caleruega, isang lugar na aking babalikan, ano man ang mangyare.

natapos na ang lahat, at kailangan nang tuldukan ang pagiging estudyante, eto na at bacc mass na, walk of passage na under the arch, graduation na.

tutuldukan na ang pagiging estudyante namin, nagumpisa sa isang munting pagtatagpo, ng mga estudyante, magulang at mga guro, isang munting pagtitipon na ako ay napasubo, pagsalitain ba naman daw ako sa tapat ng mga kabatch, magulang at mga guro, kumusta, hahaha, anyway, ayun, lahat kami ay ginawaran ng mga mumunting medalya, bilang mga centennial graduates ng Eng'g, na sadyang kinagalak namin. minarapat ko na ang aking inainahan na si maám Cha ang magsuot sa akin ng aking medalya, dahil sa naman tlaga xa sa mga dahilan kung bakit ako pumasa. nakakalungkot at hindi ko rin ito nagawa para kay sir vergil. ayun, matapos ang makabagbagdamdaming pagsasalosalo, ay bacc mass na, dito namin lalong nadama ang pagtatapos ng aming pagiging estudyante, mula sa bacc mass, ay umiihip ang hangin na may kakaibang lamig, lamig na tila kumukuryente sa aming balat. di maiiwasang lumuha. dahil sa paglisan mo sa mundo ng pagaaral, ay alam naming kung ilang kaming nagumpisa, at di rin ganun ang dami sa magtatapos ngayon. bwat hakbang namin nung araw na iyon, hangang sa araw ng pagtatapos ay mabibigat. pakiramdam na di ko magawang matuwa. matapos ang bacc mass, ay ang rite of passage na, ang nakagawiang paglakad sa ilalim ng arch of century, isang nakagawian na, na nung kami ay bagong pasok pa lamang, ay kami naman ay dumaan din sa arko na iyo, papasok, at ngayong magtatapos na kami, papalabas naman. ngayon ko lang naramdaman ang kakaibang pakiramdam. sadyang emosyonal ang paglakad namin sa ilalim ng arch. d mo maiiwasang maluha at bigla na lamang babalik sa iyong isipan ang ilang taong nilagi mo sa minamahal mong eskwelahan. matapos ang paglalakad at naligo naman kami sa bagong tayo na fountain sa likod, kahit kinabukasan na ang graduation. naligo parin kami, pati si kareen at mel, napaligo namin, hahaha. ayon, tapos na ang araw na ito, kinabukasan, graduation na. ayaw ko parin magkwento tungkol sa graduation dahil d ko talaga magawang matuwa kapag nababanggit ko ito, uu, tama, normal na matuwa ako, pero inde, masaya ako, pero indi buong buo. naging mabigat ang mga hakbang sa buong araw na ito. naging maganda, at nakakapukaw ng puso ang mga pakikipagkamay sa aming mga naging guro, matapos ang paglalakad sa entablado. masaya nga dpat. pero d ko magawang magsya ng lubos.

natapos ang graduation, nararapat lamang na magsaya, isang makasaysayang inuman ang naganap sa pamamahay nila race. inuman na tumatak sa isip kong, ang inumang unang beses na sumuka ako, YAK!!, hahaha, uu, un na, ibabaon na sa limot ang mga nangyare, ang mga nangyare sa lugar na iyon, ay mananatili sa mga taong nandun, period. haha. maraming kwento, luha, katuwaan, at kung ano ano pa ang naipakita. malungkot, masaya, kakaiba. nararapat lamang na ulitin pa. un na un, wahahahaha

papatapos na ang abril. at eto na nga po. maguumpisa na ang trabaho. nakakatuwa, pero indi maxado. nangmagkaroon ng trabaho, parang ayoko na tuloy, magaaral na lang ulit ako, pero anong magagawa, nagtratrabaho ka na, ano pa ba kundi pasayahin na lang ang pagtratrabaho. masasaya at makukulit ang mga katrabaho ko, dabest xempre ang mga kabatch ko. kung sa kalokohan lang at mga kakulitan, hindi papatalo. sabi nga ng ibang kaopisina namin, kakaiba ang batch :EL: na ito. masaya, makulit, maingay at magulo, un ang description sa amin, ayus lang, bata pa kami, marami pang pedeng mangyari, wahahaha. hindi ako tinantanan ng mga bagay na magpaalala sa akin sa mga kaklase at kaibigang ngayon bihira nang makita. ang isa  ay kapatid nya ay kaopisina ko, ang ilan e mga kaapelyido kapangalan, may ilang kahawig at kamukha, at ang iba, common friend ng isa kong kaibigan. nakakatuwa sa opisina, dahil d gaanong kahigpit at hindi corporate ang environment, nakakatuwa, pero nakakamiss parin ang dating nakagawian.

nagkaroon ng outing, nakakalungkot lamang isipin na hindi nakasama ang karamihan sa batch namin. nakakatuwa, enjoy. nanalo pa ako ng t-shirt dahil sa paligsahan na aking nasalihan. nakakatuwa. nagtapos man ang pagiging estudyante, atleast may nakasama ako sa araw na iyon na aking naging kaklase. natupad ang isa sa mga hinihiling, nakapagzipline din sa wakas. wohoo. nakapagsnorkling. at muling nasugatan ang mga paa sa matatalim na bato. asteeg. nakakatuwa.

isa pang nakakatuwang pangyayari sa taong ito, ay ang pagkabuhay at paganda na paganda pagtatagpo ng mga kaibigan ko sa HS. ang mga kasabwat sa mga kalokohan. ang disbanded na furly friends society, ang mga kasama sa pagtambay hangang hating gabi sa isang sulok ng intercity, hayy ,nakakatuwa, at ito ay pasasalamat namin kay yan yan, ang syang pasimuno sa lahat, nagumpisa ito sa pagkikitakita sa Music 21 sa pasay. bilang celebration sa kaarawan ni donna, na nasundan ng sa Soma, celebration ng bday ni yan yan. tapos Prince of Jaipur, tapos Bagaberde sa pasig. at ang pinakahuli, ang christmas party swimming sa pansol, nakakatuwa, masaya ako at muling nabuhay ang nahimbing na pagsasamahan namin. ay. malilimutan ko pa ba ang bonga na paparty ni jacy sa kanyang kaarawan??? maligayang karawan jacy, wohooo. ayun. naakatuwang isipin na sa loob ng isang taon. taong 2007, ay nabuhay muli ang samahan namin, sana mas gumanda pa sa susunod na mga taon.

napagtibay din ng ilang pangyayari ang samahan sa opisina, mga projects, mga pakain. mga sportsfest events, at kung ano ano pa. dumami ang aking mga kaibigan, at lumawak ang aking kaalaman sa industriya na akong ginagalawan. nakatagpo ng mga magagaling at talentadong mga tao. nakakatuwa dahil dito ko napasok, laking pasasalamat ko at dito ako napasok.

xempre hindi mawawala ang swimming ng CSD tuwing october. at eto na nga un, natuloy ang outing, nakakatuwa, bagong lugar, bagong pool, overnight, at madaming mga bagong nakasama, isa na dito si kevin, whoooo kev. nakakatuwa, at xempre, since may inuman sessions dito, may mga bagay na hindi na kailangan banggitin pa, at ito ang mga bagay na alam na lamang ng mga taong pumunta, wahahahahahaha. basta highlights, ang grand entrance ni gani. ang pantataranta sa amin ni race,  "5 minutes, 10 minutes, whatever" pininyahang manok at adobong baboy, butiki, videoke at suka, wahahahha, un na un, wohooooooo. next year ulet, october ulet, wohooo. ay uu nga pala, hindi ko pa naipapaalam kung magkano ung natira, lagpas 2k pa ung natira, d pa kase finalize kase ala pa ung kay makre, next year cguro, ipopost ko na.

marami rami na din naman akong nabili, katas ika nga nila, may digicam na ako, psp, mp3 player. at ung malaking cd case/bag ng cdr-king, wohooo. nakakatuwa, ako na ung bumibili ng mga gamit ko, pero xempre, sayang, kase dati libre, hehehehe.

malaking problema din ang nagkatrabaho, andaming mga bagay na prinoproblema ko ngayon. lalo na pagdating sa pera, andaming binabayarang utang, bawat lingon gastos, bawat galaw gastos. nakakakainis, madalas walang pera. d mo naman malaman kung saan napupunta. hay buhay.

madami nang bago sa buhay ko ngayon. career na ang badminton. daming problema, daming prinoproblema. sabi nga ng iba, mas masungit daw ako ngayon, mas mukhang madaming problema, mas aburido, mas maarte, mas galit sa mundo, mas tahimik, mas seryoso, mas matakaw, wahahaha, tumataba daw ako T_T. mas magastos, mas nakakalabas ng bahay, mas gala, mas strikto, mas maraming sinasabi, mas reklamador, mas nagpapakasuperhero, mas tanga, mas gago, mas bobo, mas madaling maloko, mas mautak, mas marunong, mas dilaw, mas itim, mas maayos manamit, mas mayabang, mas mabait, mas makulit, mas maingay, mas makapal ang mukha. andami. madaming nagbago, madaming gusto gawin sa buhay, madaming gustong marating, maraming gustong makamit, daming plano, daming gusto, daming ayaw, mas magulo buhay ko ngayon, daming d alam kung ano ang gagawin, WAAAAAAAAAAAAAAAAAA!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!. mahirap nang kilalanin ang sarili ko.

wish ko lang, sa susunod na taon na year-ender special ko, masabi ko na sa post na ito. mas kilala ko na sarili ko.

andaming nangyare sa taong ito, sa subrang dami, d ko parin mapagtanto ang lahat, daming nangyare, daming nagbago, lahat nagbago, lahat nagiba, kailangan kong makasabay sa bagong agos ng buhay ko. kundi tatangayin ako nito hangang ako ay maligaw na ng husto. maraming kailangang pasalamat, maraming kailangang ihingi ng tawag, maraming dapat bumawi, maraming dapat ipagparaya, maraming kailangang makausap, maraming kailang ibaon na lamang sa limot, maraming kailangang alalahanin, maraming kailangang namnamin.

tulad ng sabi ko sa isang kaibigan ko.
oo, mas pinapahalagahan ko ang mga nangyayare sa paligid ko, pero d ko masasabing mas makahulugan ang buhay ko.
oo, masasabi kong tao ako, nasasaktan at nagkakamali, pero d ko masasabi na ako ay buhay talaga.

mdaming kailangang sagutin at alamin sa totoong darating, handa na ba ako?

dapat? kailangan? nararapat? DAPAT!!!!!!

salamat at manigong bagong taon sa lahat.


Sunday, November 18, 2007

Just Give UP!!!!!!!

don\'t fight it........

Just give up.....

you can\'t fight the system alone.....

maybe if i am not alone, we can overcome the system............

but the thing is, i am fighting it alone, as far as i know, i am alone on this one.........

people change.......

it\'s stupid to not believe it..........

and it is more stupid to think the things will be the same........

as it was in the past...........

its JUST PLAIN STUPID!!!!!!!!!

and as painful or as stupid as it may sound..........

i have been stupid, REALLY REALLY REALLY stupid for the last couple of days, weeks, months, happily not yet a year.........

things change, everyone change, FACE IT!!!!!!!! tanga ba ako para d malaman un.......

napepeste na naman ako.........

tatanga-tanga para maniwalang ganun parin, tulad parin ng dati..........

pinilit mang ibalik, pero wala e, walang nangyayare.............

paranoid na kung paranoid, pero nagsasawa na ako.......

nakakasawa na..............

hindi na ako natutuwa..........

nakakapagod na...........

tigilan na ang kalokohan na ito...........

tulad nga ng madalas kong sinasabi.........

kapag nagalit ka, ikaw lang ang nahihirapan........

d lang pala xa applicable sa galit, pati sa pag-asa............

ang umasang mananatili ang dating nakagawian........

i\'m not saying there is no hope in hoping........

the thing is, there is not hope in trying........

I \"TRY\" to much...........

to much, that it turns out to be a \"need\" not a \"want\"......................

things go according to plan because they were forced to......

not because they want to..........

yeah, thanks for the \"cooperation\".................

but i\'m not that stupid to know that you were just forced..........

its not a super power to read through people\'s mind and actions.........

all it needs is common sense.......

this calls for a system optimization...........

remove unecessary codes.........

operations........

data.......

out of the system........

to make the system..........

run faster........

smoother........

and more reliable.............

nakakasawa lang talaga............

to feel and know...........

that i am fighting a battle..........

a loosing if not yet defeated one..........

to know that how much effort i put into it............

they already decided what the outcome of the battle will be............

that everything ended with a single step.................

but that\'s it...........

its human nature to learn...........

 and i learned the hard way..............

and now..........

I MOVE ON!!!!!!!


Sunday, November 04, 2007

Crumbling Down, Right in front of me.......

After all of the things that happened

after all the times that was spent

after all the days, months and years

why does it look like all of those things are gone in an instant?

its like, they were all for nothing

am i just paranoid

or is this just the sad truth

do i have to accept this

is it no longer a question of how good friends we are

or is this already a test

of how long will the friendship last

is this just a test of time

are we still trying to adjust on the new world we are living in

or are all of this just alibis

alibis to hide the sad truth

the somethings are just not meant to last forever

I HOPE NOT

for me

i think

i have done my part

but then again

i maybe mistaken

one thing can be assured from all of this

I DON'T WANT THIS TO END

am I a bad person

for all of this to happen to me

or is this just a common thing

to test me

if i really deserve this

i can only endure enough

i can only exert effort this much

i can only do this much

even though the last few lines looks like confession

but after i wrote it

it looked like complains, restrictions and surrender

do i need to endure more

do i need to exert effort more

do i need to do more

what if all of these are already overdone, overexerted and overendured

or is this all paranoia

am i just missing the old days

but is it forbidden to do so.........


confusion


jealousy


stress


work


WHAT A GREAT LIFE...........



Next 5 >>

back-stabber's box